Mayor's Corner
The Performing Local Government

CHILDREN'S CELEBRATION MONTH
Naging mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng Children’s Month ang Lungsod ng Tagaytay ng piliin ng DSWD-Reg IVA na dito ganapin ang mga
palatuntunan. Sa pangunguna ni RD Leticia Diokno ng DSWD Reg IV-A at mga kagawad ng CSWDO ng Tagaytay, nagkaroon ng parada ang mga bata mula sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya Program kung saan makulay at mapagpahayag ang naging mga kagana- pan. Dala dala ng mga bata ang mga boards kung saan nakasulat ang kanilang mga nais at pangarap na maging sa kanilang paglaki. Matapos ito ay nagkaroon ng maikling palatun- tunan sa Tagaytay Sports Center kung saan kinilala ang Tagaytay bilang Most Child Friendly City kung saan tinanggap ni Mayor Agnes D. Tolentino ang parangal kasama sina Kon. Reymond Ambion at Kon Violy Parra. Ang Tagaytay ay tinanghal na 2012 Most Child Friendly City (Component City Category) sa bansa.
NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay sa pamamagitan ng Persons with Disability Afffairs Office (PDAO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Tagaytay City Federation of Persons with Disability, INC (TCFPWDI) sa pagdiriwang ng 35th National Disability Week na may temang “Building an Inclusive Non-Handicapping Environment for Persons with Disabilities.�?br /> Nagkaroon ng motorcade ang mga miyembro ng PWDs, mga panauhin mula sa mga karatig bayan ng Indang, Alfonso, Amadeo, at mg bikeriders mula pa sa Maynila at isang Misa ng Pasasalamat ang isinagawa. Ang salo salo ang inihanda naman ng mga magulang ng PWDs. Nakiisa naman ang SM Skyranch sa mga special children ng bigyan sila ng pagkakataon na librengmakasakay sa mga rides at maranasan ang mga ito na tunay namang nagbigay ng
kasiyahan. Naging paraan din ito upang isulong ang ACCESSIBLE TOURISM ng Tagaytay para sa mga PWDs.
Para naman sa mga may Spinal Cord Injury at severe cases ng cerebral palsy, isang talakayan ang idinaos hinggil sa Independent Living na pinangunahan nina Mr. Edwin de Villa, President,
Spinal Cord Injury; at Mr. Abner Manlapaz, President, Life Haven,Inc.
TAGAYTAY TO ISSUE PRIVILEGE CARD
Pinagtibay ng Sangguniang Panglungsod ng Tagaytay sa bisa ng Kautusan Blg. 2013-007 ang pamamahagi ng PRIVILEGE CARD sa mga mamamayan ng Tagaytay. Sa panukala ni Mayor Agnes D. Tolentino na iniakda naman ni Kgg. Eliseo Javier, ipinatupad sa lalong madaling panahon ang pagbibigay ng Privilege Card na tatawaging TAGAYTAY CARD para sa karagdagang tulong at benepisyo sa mga taga Tagaytay. Ayon sa nasabing kautusan, ang lahat ng Tagaytay Cardholders at kanilang mga depen- dents ay maaaring makakuha ng mga benepisyong katulad ng mga sumusunod: LIBRENG KOLE- HIYO sa City College of Tagaytay; 10% diskwento sa pagbili ng gamot sa mga accredited drugstores kung non-senior resident; 50%-100% diskwento sa funeral service at libreng cremation dagdag pa ang isang cavan ng bigas; libreng kwarto sa Ospital ng Tagaytay kung magkakasakit; libreng paggamit ng ONT at RESCUE ambulance; libreng pagpasok People’s Park at Picnic Grove at iba pang recrea- tional facilitiesna pag-aari ng Lungsod ng Tagaytay at 10% diskwento sa pagpasok sa Skyranch. Maaaring makipag-ugnayan ang mga mamamayan hinggil sa programang ito sa City Planning and Development Office na siyang inatasang magpatu- pad ng nasabing programa.Kinakailangan ang mga sumusunod na dokumento upang maging TAGAYTAY CARDHOLDER; Voter’s ID; Brgy. Clearance; Cedula;Birth Certificate ng mga dependents at kanilang mga larawan; marriage contract o certificate of live in status (kung hindi kasal) at 2 larawan. Ang lahat naman ng nasa religious sectors/o mga congregations na naninirahan sa Tagaytay ay kabilang din sa programang ito. Maaari silang makakuha ng TAGAYTAY CARD kung sila ay may sertipikasyon mula sa kanilang sektor/leader/ mother superior.
MAYOR AGNES D. TOLENTINO D.M.D

 

 

I am very pleased to welcome you to the City of Character....where you can DINE, STAY, PLAY and PRAY.

 

 


An Overview (excerpt from the best of Tagaytay-Tapestry of Color published by Sorrell Publishing Co., N.Y. 2013)

Tagaytay City is a city with many titles- the City of Character, the Retirement Haven, the Resort Capital. For a city like Tagaytay, it is challenging to find one title which can capture the magnetic nature which draws people to it.

Read more...

 

 

 

 

 

 

 

 

Emergency Hotlines

PNP

(046) 4131282

OSPITAL NG TAGAYTAY

(046) 4832160

TAGAYTAY CITY RESCUE

(046) 4830446

FIRE STATION

(046) 4831193

FEATURED VIDEOS

 

Tallest Ferris wheel in the Philippines
Comments or Suggestions E-mail:[email protected]