STATE OF THE CITY ADDRESS of Tagaytay City Mayor Abraham "Bambol"N. Tolentino June 21, 2012

Sa ating Kagalang-galang na Bise-Alkalde, Celso P. De Castro,
Sa  ating mga magigiting na  Konsehal;
Mga pinuno kawani  ng ibat-ibat departamento ng ating Pamahalaang Lungsod;
Mga Opisyales ng Barangay;
Sa mga Kaanib ng ating Kapulisan;
Sa ating mga Senior Citizens;
Mga Kabataan,
Mga kapanalig mula sa pribadong sektor,
Mga pinagpipitagang Bisita, mga Kabababayan, Magandang Umaga po sa inyong lahat.

Time flies, indeed.  It seems like it was only yesterday. Habang ako ay nagninilay-nilay kung ano ang aking sasabihin sa harapan ninyo sa umagang ito,  nagkaroon po ako  ng ilang katanungan sa aking sarili.  Nagtagumpay ba ako sa aking mga adhikain sa loob ng walong taon kong panunungkulan at paglilingkod bilang Punong Lungsod ng Tagaytay?  Nabago ko ba ang kalidad o uri ng pamumuhay ng aking mga kababayan?  Anu-ano ang aking naisagawang mga proyekto at programa para sa kapakanan ng mamayan ng  ating lungsod?  

Sa pagkakataong ito, nais ko rin pong ipaabot sa inyong lahat ang aking taus-pusong  pasasalamat sa patuloy ninyong pagtitiwala sa aking pamumuno  at paniniwala sa aking kakayahan bilang inyong Punong Lungsod. Bilang  ganti sa inyong kabutihang loob at sa kabila ng mga unos at suliraning hinarap natin sa mga nakalipas na panahon,  sinikap kong maging matibay sa aking mga  paninindigan at maging tapat sa aking paglilingkod sa lahat ng oras tungo sa pagkamit  ng ating magagandang adhikain at mga pangarap. 

Lubos po ang aking paniniwala na naging kaisa at kabalikat ko po kayong lahat  sa aking pagpupunyagi upang marating  ang tagumpay para ating lahat at sa ating mahal na lungsod.

Sa pagdiriwang natin  ng Ika-74th na Araw ng Tagaytay ngayong ika-21 ng Hunyo 2012,  isa itong makasaysayang  pagkakataon para sa inyong lingkod na makapagbigay ng Ulat sa  ating Taumbayan (State of the City Address) sa aking mga nagawa  hindi lamang sa nakalipas na taon ( 2011)  kundi  sa buong termino ng aking  panunungkulan bilang punong lungsod.

At bilang katugunan sa mga tanong na binanggit ko kanina, nais kong ilahad sa inyo ang mga pangunahing proyekto at programang naipatupad sa ilalim ng aking kasalukuyang panunungkulan:

Programang Pabahay

Ang programang pabahay na tinaguriang “Bahay-Tagaytay” ay isa sa aking mga prayoridad.  Patuloy po ang  pagbili natin ng lupa at pagpapagawa ng mga disente at dekalidad na tahanan para sa ating mga kababayan. Layunin po nito na maresolba ang suliranin sa pabahay at maiangat ang pamumuhay lalo na ang mahihirap nating kababayan.   

Bahay Tagaytay I  - Barangay Patutong Malaki South
96  Units
Bahay Tagaytay II -  Barangay Maharlika  East 
20  Units 
Bahay Tagaytay III – Sungay West     
15  Units
Bahay Tagaytay IV -  Mendez-Crossing West
246 Units
Bahay Tagaytay V -  Kaybagal South 
15   Units
Bahay Tagaytay VI-  Guinhawa South
( gagawin pa sa loob ng taong  kasalukuyan)

Programang Pangkalusugan  at Pangnutrisyon

“Ang malusog na pamayanan ay salamin o repleksiyon ng isang  malusog na lungsod o bayan”.    Sa atin pong pagsisikap na itaas ang antas ng pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo publiko, wala pong humpay ang pagpapatupad natin ng ibat-ibang programa at proyektong pang-nutrisyon at pang-kalusugan sa pangunguna ng City Health Office, City Nutrition Council, City Nutrition Office,  sa tulong ng masisigasig nating  mga Barangay Health Workers at ilang NGO volunteers.

 Sa ilalim ng direktiba ng Department of Health (DOH),  matagumpay nating  naipatupad ang mga programa tulad ng:  Child and Maternal Care Expanded Immunization Program; TB Control Program; Rabies Control Program; Family Planning Program; Environmental and Sanitation; Outpatient Consultations; Dental Program; Dengue Control Program at iba pa.

Matagumpay din nating  naisagawa ang mga mandatong  programa ng National Nutrition Council (NNC) partikular   ang pagpapatupad ng mga  Nutrition Interventions  o Eight (8) Impact Programs gaya ng:   Home & Community Food Production; Micro-Nutrient Supplementation; Food Fortification; Food Assistance; Nutrition Education; Nutrition in Essential and Maternal Child Health Care and; Enabling Mechanisms.

Patuloy din po ang pagbibigay ng maayos at magandang serbisyo ng ating Ospital ng Tagaytay sa ating mga kababayan sa lungsod maging sa mga residente ng karatig na bayan.

Naglunsad din ang Pamahalaang Lungsod ng “Community Healthy Lifestyle Program” kung saan ang mamamayan partikular ang mga empleyado ng gobyerno, mga senior citizens, kabataan, at iba pa,  ay hinihikayat  na regular na mag-ihersisyo upang makaiwas sa sakit sa puso, hypertension, diabetes,  at iba pang sakit.

Puspusan din po ang malawakang kampayna ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna City Health Office, at City Agriculture Office  sa pagsugpo sa nakakamamatay na sakit na Dengue dulot ng kagat ng lamok at ng kagat ng aso sanhi ng rabis

Bilang patunay at bunga ng  ating sama-samang pagkilos,  nakatanggap po ang  ating lungsod ng mga pagkilala at parangal gaya ng sumusunod:

  • Outstanding in Child Health Care  (mula sa tanggapan ng Pangulo, Makakanyang)
  • National Honor Award for Nutrition – ito ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng  National Nutrition Council sa mga Pamahalaang Lokal.  Tinanggap po natin ang parangal na ito dahil sa maayos at epektibong pagpapatupad  at pagbibigay ng serbisyong pangnutrisyon sa ating kababayan  sa loob ng halos isang dekada (10 taon).
  • Best Proposal Awards mula sa World Health Organization (WHO) :  a) Housing and Shelter b) Establishing a Health Promoting School in the City  and c) 100% Enforcement of Indoor Smoke Free Workplaces, Bars and Restaurants.

Bukod sa mga nabanggit na pagkilala at parangal, naimbitahan din po ang inyong lingkod ng Health Ministry of the People’s Republic of China at World Health Organization (WHO) sa idinaos na Healthy Cities Forum noong taong 2008 sa bansang Tsina, kung saan isa  po ako sa walong (8) Mayor mula sa ibat-ibang panig ng mundo na naglahad ng mga programang pangkalusugan na  ipinatutupad sa kani-kanilang mga lungsod. Dito po nabuo ang slogan at commitment  para isulong ang   “United Community in a Healthty City”  bilang lehitimong kaanib ng Alliance for Healthy Cities (AFHC) sa buong mundo.


Lingap sa Barangay Program – ito po  ay ating isinasagawa buong taon kung saan ang Tanggapan ng Punong Lungsod  katuwang ang mga Tanggapan ng Pagpaplano at Pagpapaunlad o CPDO , City Health Office , City Social Welfare and Development Office, Local Civil Registry , Nutrition Office. Layunin ng programang ito na mapanatili ang malapit na ugnayan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at ng mga mamayan sa bawat kumunidad at direktang ihatid ang mga pangunahing serbisyo sa kanila tulad ng:

  • Libreng medical  at dental check- up
  • Pagbibigay ng libreng gamot  at bitamina
  • Libreng bunot ng ngipin
  • Libreng Gupit, Hair Spa at Foot Spa
  • Supplemental Feeding para sa mga batang kulang sa timbang
  • Mobile Birth Registration – upang masiguro  na ang lahat ay rehistrado sa Civil Registry Office  at maayos ang kanilang mga Birth Certificates.

Programang Pang-Edukasyon

Prayoridad rin ng Pamahalaang  Lungsod na itaguyod ang  pagkakaroon ng mahusay na kalidad na edukasyon para sa kabataan. Dahil dito,  naglaan tayo ng sapat na pondo kada taon para sa:

  • hiring” ng mga guro upang punan ang pangangailangan ng teaching work-force sa lahat ng public schools sa ating lungsod.
  • Pagpapatayo ng mga Gusali ng  Pampublikong Paaralan
  • Bagong gusali  ng City College of Tagaytay
  • Tagaytay City Science National High School
  • Tagaytay City National High School
  • Tagaytay Elementary School
  • San Jose Elementary School
  • Maharlika Elementary School
  • Carlos Batino Elementary School
  • Mendez-Crossing Elementary School
  • Neogan Elementary School
  • Patutong Malaki Elementary School
  • Isidro Cuadra Elementary School
  • Calabuso Elementary School
  • Maitim II Elementary School
  • Sambong Elementary School
  • Bagong-Tubig Elementary School

SPED Center para sa  mga “special children” o mga batang mayroong  kapansanan.  Ang proyektong ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga batang katulad nila upang mapaunlad ang kanilang talino at kakayahan at makapamuhay na mayroong dignidad, tiwala sa sarili at maging produktibong mamayan. Malaking tulong ang proyektong  ito sa mga magulang sapagkat mahal ang bayad o “ tuition fees” sa  private SPED School.     Sa kasalukuyan, mayroon na po tayong walong (8) guro  na may sapat na kakayahan at kaalaman sa pagtuturo  sa mga batang espesyal.  For this school year (2012-2013)  ang enrollment natin ay umabot  na sa pitumpu’t -tatlo (73).

Paglalagay ng Computer Laboratories sa labinlimang (15) public elementary schools at tatlong (3) high schools sa lungsod.  Layunin nito na mabigyan ang ating mga kabataan sa sapat na kaalaman sa larangan ng Information Communication Technology (ICT)  at maging “competitive” sila pag tungtong nila sa kolehiyo o anumang karera na pipiliin  nila sa hinaharap.

Lingap sa Mag-aaral –  ang programang  ito  ay isinasagawa sa  lahat ng pampublikong  paaralan ( elementary and high school)  sa lungsod. Ang pangunahing layunin nito ay upang  masiguro  ang pangangailangan ng mga bata sa ekskwelahan bago pa man mag-umpisa hanggang sa matapos ang pasukan. Kabilang sa ayuda o tulong na ibinibigay sa kanila ay ang mga sumusunod:

  • Pamimigay ng T-shirts at school supplies
  • Supplemental Feeding for malnourished school children
  • Free medical and dental check ups
  • Provision of medicines and vitamins, toothbrush and toothpaste
  • Free hair-cut

Literacy Program and Continuing Education.  Ang Pamahalaang Lungsod, kaagapay ng Department of Education (DepEd) ay  patuloy sa pagpapatupad ng programang Alternative Learning System o ALS kung saan binibigyan ng pagkakataon na makapag-aral o makatapos ang mga kababayan nating hindi pinalad na makapasok sa pormal na paaralan. Hinanap natin sa mga sulok ng lahat ng Barangay ang mga kababayan natin upang mabigyan ng basic education. Sa kasalukuyan mayroon na tayong 17 klase na isinasagawa sa mga clustered barangays sa pakikipagtulungan ng mga Punong Barangay.  Nagsagawa na rin tayo ng mga kaukulang pagsasanay para mapaunlad ang kakayahan katulad ng Basic Computer , Housekeeping and Janitorial Service, Bartending ..at marami pang iba.

Sa kasalukuyan mayroon ng 463 katao ang natulungan ng programa simula noong  ito ay pinalakas  noong 2004. Marami na sa ating mga “school leavers” ang pumasa sa Accreditation and Equivalency Test at sila ay nabiyan na ng elementary o secondary diploma at kwalipikado na sila  ngayong kumuha ng kursong gusto nila sa kolehiyo.

Bunga ng ating sama-samang pagsisikap sa pagpapaunlad ng edukasyon sa ating lungsod, nakamit po natin ang mataas na antas o “literacy rate” na 99.91 % at  ang mga awards  na ito:

  • Most Outstanding Local Government Award, Component City Category – Regional Level 
  • 1st Place 2012 National Literacy Award Search – Regional Level.
  • Most Outstanding ALS Program Implementor in the Calabarzon Region , 2010
  • 1st Place 2010 National Literacy Award Search -Regional Level;
  • 2nd Place 2008 National Literacy Award Search -Regional Level; 
  • Tumanggap  din ang Bagong Tubig Elementary School  ng parangal sa National Educational Testing and Research Center (NETRC)  bilang TOP Public School na nakakuha ng pinakamataas na score na 93% sa 2009 National Achievement Test  for Grade 6.

Free College Education -  sa pagnanais po natin na mabigyan ang ating mga kabataan ng pantay-pantay na karapatan at pagkakataong  makapag-aral sa kolehiyo upang masiguro  ang magandang  kinabukasan,   nagpasa  po tayo ng  isang ordinansa ( City Ordinance No. 2010-065)  na nagtatadhana ng kautusan para sa LIBRENG edukasyon sa City College of Tagaytay epektibo mula taong panuruan 2010-2011. Maipagmamalaki rin po natin ito sapagkat kaisa-isa po ang Tagaytay na nagpapatakbo ng Kolehiyo mula mismo sa pondo ng pamahalaang lungsod.   Isa po ito sa katuparan ng aking mga pangako o LEGACY  na nais kong iwan sa aking mga kababayan, partikular  sa mga kabataan,  sa pagtatapos  ng termino ng aking panunungkulan bilang punong lungsod . 


    Scholarship Program. Based on the latest report from the CCT Registrar’s Office, the total number of scholars enrolled at CCT is 1,497; at ang kabuuang bilang po naman ng iskolar na enrolled sa ibat-ibang kolehiyo at unibersidad ay 59 – these scholars normally receive cash allowances every semester. Bukod po dito, mayroon din tayong 237 scholars  mula  sa ibat-ibang Bayan ng Ika-pitong Distrito ng ating Lalawigan.  The Honorable Senator Pia Cayetano  also gave scholarship grant to 9 students from the same district of the province.

    Serbisyo para sa Kabataan -  upang maisakatuparan ang ating mga layunin  at maisulong ang  mga adhikain para sa kapakanan ng kabataan ng lungsod,  at alinsunod sa prinsipyo, misyon  at alituntuning itinatadhana sa Philippines National Strategic Framework for Plan Development for Children in the 21st Century  na kilala rin sa tawag na CHILD 21,    nakapagbalangkas  na po tayo ng  Child Welfare Code  by virtue of City Ordinance No. 2003-272;  Development and Investment Plans for Children kung saan nakapaloob ang mga programa at estratehiya sa pagsusulong ng  mga pangunahing karapatan ng mga kabataan hanggang 2025,  gaya ng:  1) Survival Rights 2) Development Rights 3)Protection Rights   at  4) Participation Rights.


    Programa sa Kabataan:

    Summer Workshop for Children – ang programang ito ay sinimulan noong taong 2004  at ginaganap tuwing summer vacation.  Lessons offered:  drawing & painting; chess, taekwondo, theater arts, cooking & baking, etc.

    Children’s Fun Day – nilalahukan ng lahat ng  batang Day Care ng lungsod  tuwing buwan ng Disyembre  ( activities include: parlor games, kainan, gift-giving)

    Bagong Silid-Alkatan at Museo -  bukod sa mga libro at ibat-ibang uri ng babasahin,  tampok din sa pasilidad na ito ang Museo kung saan makikita ang ibat-ibang laki at “replica ng dinosaurs” bukas po ang pasilidad na ito Lunes hanggang Biyernes  8:00 am. to 5:00 pm.

    Story-Telling for Public School Children  -  this revives the value of story-telling among children.   The Mayor himself tells stories about famous fable/legends  and even stories from the Bible.

    Pagtataguyod sa kapakanan ng mga batang Day care – supplemental feeding sessions   for the undernourished  daycare pupils; provision of vitamins

    Travel Exhibits for Kids -    ang Pamahaang Lungsod ng Tagaytay ang nag-sponsor nito  in collaboration with the Museo Pambata Foundation.

    Lingap sa Mag-aaral



    Special  Education   (SPED) Class  for  especial  children

    Free College Education at the City College of Tagaytay

    Youth Development -  conducted Capability Building Training Seminars for the Sangguniang Kabataan Officials; held annual Batang Tagaytay Basketball and Volleyball Tournament  for SK Members. These activities aim to: 1)hone leadership skills of the youth  2) promote unity, sportsmanship, discipline, healthty-lifestyle  and camaraderie among the youth.

    Mga pagkilala at karangalang tinanggap ng Lungsod  sa maayos at epektibong pagpapatupad ng programa para sa kabataan:

    • 2008 Most Child-Friendly City both in the Provincial & Regional Levels;
    • 2010 Most Child-Friendly City both in the Provincial & Regional Levels;
    • 2011 Most Child-Friendly City both in the Provincial & Regional Levels;
    • FINALIST: Presidential Award for Child-Friendly Cities for three years (2008, 2010 and 2011).

    I believe that through our relentless and combined efforts lalo na ang ating mga Barangay Council for the Protection of Children (BCPCs),  umaasa ako na makukuha na rin natin sa taong ito ang inaasam nating award mula sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas ang:  PRESIDENTIAL AWARD: MOST CHILD-FRIENDLY CITY  FOR 2012.

     

    Disaster Risk Mitigation/Management  -  Tagaytay, due to its location,  is considered  an environmentally critical area.  Sakop po tayo ng 10 km. radius danger zone ng Bulkang Taal in case of major volcanic eruptions.   Prone din po ang ilang bahagi ng ating lungsod sa landslides/soil-erosion partikular ang ridge area at matatarik na lugar.  Meron pong nagsasabi na bumabagtas sa ating ang fault-line connecting Marikina trench/fault-line.  Pero sang-ayon po inpormasyon galing mismo sa PhilVocs,  kinompirma po na walang fault-line sa nasasakupan ng Tagaytay.   Ganunpaman, we have:

    • Formulated the City  Disaster Management Plan
    • Established  the Tagaytay ALERT Rescue Team; 
    • Acquired Tools and Equipments ( grader, backhoe, bulldozer, ropes,  axes, power saw, etc.)
    • identification of disaster risk or landslide prone areas within  the city  and  possible relocation of families residing on these areas;
    • conduct of periodic  earthquake and fire drills in government buildings and schools;
    • established direct linkage with PAGASA,  PhilVocs and NDRRMC for  weather forecast / bulletin and immediate dissemination of information to the city’s area of responsibility/jurisdictions i.e. Barangay Disaster Risk Reduction Management Council (BDRRMC).

    Environmental Management

    Bilang hakbang at  kontribusyon  ng ating lunsod sa malawakang kampanya na labanan ang  lumalalang epekto ng Climate Change o Global Warming sa ating  kalikasan at kapaligiran,  we have

    • Formulated  Environmental Management Code; 
    • Implemented the all year-round Re-greening and tree planting activities.  Noong 2008, naabot natin ang ating target na makapagtanim ng 70,000 pine/arocaria trees.  Ang programang ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang grupo/sektor (academe, NGO, business, religious, atpb.  sa ating lungsod.
    • Pagpapanatili ng Organic Garden at Plant Nursery sa ilalim ng pamamahala ng City Agriculture Office.
    • Established the  Material Recovery Facility (MRF);
    • Regular collection of solid waste along major roads/thoroughfares  
    • Passed city ordinance on the prohibition /banning the  selling and use of plastic within the city’s jurisdictions ;

    Tagaytay Quick Response and Public Safety Programs.

    Sa pagnanais po natin na mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating lungsod,  ipinatupad po natin ang mga proyekto tulad ng:

    • Construction  of sub-stations in all strategic place of the city;
    • Installation  of CCTV cameras on strategic locations of the city to closely monitor traffic condition and commission of street crimes; 
    • pagpapalakas ng pwersa at kakayahan ng ating mga kapulisan sa pamamagitan ng pabili ng karadagang Mobile Patrol Cars at Telecommunication Devices;  pagbibigay ng mga trainings/seminar;
    • Tagaytay Mounted Police

    Katunayan, kinilala ang Himpilan ng  ating Pulisya na THE BEST POLICE STATION  sa  labindalawang lungsod sa Rehiyon ng CALABARZON noong taong 2008.

    Kamakailan po lamang, pumirma  sa isang Memorandum of Agreement  ang inyong lingkod  with the high-ranking Police Officials  to formally activate the Tagaytay Tourist Police.  Layunin po nito na palakasin ang suporta at kooperasyon tungo sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turista.

    Recently din po, our city has been declared as one of the cities from among the Tourism Super Region.  Dahil dito, bibigyan ang ating lungsod ng  especially trained personnel in the PNP as frontliners in providing police assistance  to local and foreign tourists.

    Economic  and Tourism Development Efforts
    Tagaytay City has gone a long long way  in terms of Economy and Tourism investments.   About 10 years ago, kakaunti pa ang mga  restaurant, hotel  dito sa Tagaytay.   Not to mention other investment corporation,  the mere presence of prominent investors like SM , Robinsons, Cityland and Ayala Land Corporations in our city  is a clear indication that our economy is surging ahead.  In other words,  they brought their investments here simply because they believe that  Tagaytay  possesses great potential for tourism and a retirement haven in the region. Umaasa po tayo na mas marami pang investors ang pupunta dito  sa ating lungsod sooner or later. As a result,  dadami  ang employment opportunities para sa ating mga kababayan dito  sa ating lugar.


    Public Employment Services
    Bukod po dito, we have also strengthened our Public Employment Service Office (PESO) through establishing more linkages with local industries here in the city as well as with Industrial Processing Zones outside, particularly  in Manggahan, Gen. Trias, Cavite and Sta. Rosa, Laguna.

    Last  year,  I have issued an Executive Order – establishing the Tagaytay Employment Assistance  for Registered Nurses ( Tagaytay -E.A.R.N.). Layunin nito na  matugunan ang pangangailangan sa trabaho ng ating mga lesinsyadong Nurses.  Malaking pagkakataon ito para sa kanila upang  mapraktis nila ang kanilang kasanayan, mahasa ang kanilang kaalaman sa propesyon ng nursing.  Nakakalungkot pong isipin ang kalagayan ng ating mga nurses --- na sa loob ng apat na taon nilang pagsusunog ng kilay  ay kawalan ng trabaho naman ang sasalubong sa kanila.

    Prayoridad po natin dito ay ang mga lehitimong taga-Tagaytay at nagtapos sa City College of Tagaytay (CCT).  Maaari po tayong sumangguni sa Tanggapan Human Resource Management para sa karagdagang impormasyon/detalye  ng programang ito.


    Mga Planong Proyekto

    Upgrading/Reclassification of the City College of Tagaytay  into a University -  i am aware that we have to meet certain requirements for this.  Accordingly, I will calendar this proposal in agenda of the next CCT Board of Trustees’ meeting  to thresh out matters regarding the proposal.   I will also give directive to our college administrator to closely coordinate with concerned agencies to determine basic steps and procedures.  Makaka-asa po kayo na kung hindi man  matapos ay uumpisahan natin  ang proyektong ito bago matapos ang termino ng aking panunungkulan.  Umaasa rin po ako na tatapusin ng susunod nating Mayor ang magandang panukalang ito para sa kapakanan at magandang kinabukasan  ng ating mga kabataan.

    Gaya ng binanggit ko kanina, ang Programang Pabahay ay isa sa aking mga prayoridad.  This is my commitment to our people – ipagpapatuloy natin ang Proyektong Pabahay hanggang sa magkaroon ng disenteng tahanan ang bawat pamilya na lehitimong  naninirahan sa ating lungsod. Makakaroon din po tayo ng  Pabahay para  sa ating mga public school teachers.

    By-Pass Road  - connecting Aguinaldo Highway (Olivares Plaza) to Tagaytay-Nasugbu Road ( Lourdes Parish Church) – layunin po ng proyektong ito na maibsan ang problema sa trapiko sa Silang-Crossing Rotunda to Olivares Plaza area  especially during week-ends and holiday seasons.

    Central Transport  Terminal and Commercial Center -  will be located at the 3-hectare newly-acquired property at Barangay Silang Crossing East where the Tagaytay Rural Bank is situated;  proposed amenities include, hotel/lodging facilities, commercial spaces for , restaurants, souvenir shops,  and other types of business. The project shall serve as the permanent city-operated transport terminal  which will  cater to the needs of the commuting public.

    Tagaytay City Government Center – a “one stop shop” government building will be located adjacent to City Health Center infront of our Main Police Station.  Pagsasama-samahin na po natin ang mga national government offices sa isang lugar, gaya ng DILG, DepEd, Parole & Probation, BIR, COA,  at iba pa.  Pangunahing layunin po ng proyektong ito  na magkaroon ng komportable at maayos na pasilidad ang mga nasabing tanggapan at mapadali ang pagbibigay ng kailangang serbisyo para sa ating mamamayan.  Hindi na po nila  kailangang magpalipat-lipat pa ng lugar  para kumuha ng mga kailangang dokumento at iba pang serbisyo   sa mga nabanggit na tanggapan.

    Having presented these accomplishments,  I am now convinced  that I have already answered my  self-imposed questions which  I  mentioned  at the outset of this report.  I  therefore, believe that I  have served the people of Tagaytay;  been able to uplift the living conditions of the poor constituents and implemented  programs and projects  for the benefit of all.

    I owe this success,  first and foremost,  to God Almighty, for His Divine Love,  Providence and Guidance; 

    To the City Officials, department heads and employees, barangay officials,  for their commitment, dedication to serve and  unwavering support and assistance extended to this present administration;

    To the NGOs , academe, business sector, religious sector,

    MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT,
    MABUHAY ANG PO TAYONG LAHAT.

     

 

 
Free Website templatesfreethemes4all.comLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates